Christian and Pagan
Ang Pagano ay ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos at may sariling Diyos ayon sa kanilang kultura. May mga taong hindi kilala ang Diyos dahilan sa hindi ipinakilala sa kanila ng kanilang mga ninuno sapagkat mayroon silang kinikilalang ibang Diyos. Ngunit palagi tayong sinasabihan ng mga ibang sekta na ang ibang selebrasyon natin ay nakuha sa paganong cultura. Kung ang isang paganong selebrasyon ay ating niyakap bilang kristiyang katoliko, ang paganong paniniwalang ito ay maglalaho at mapapalitan ng kristiyang paniniwala, sapagkat lahat ng ito ay ating iniaalay sa Totoong Diyos. Nagiging pagano lamang ang selebrasyon kung ang nagdiriwang nito ay isang pagano. Hindi din lahat ng paganong selebrasyon ay ating niyakap at binigyang ng bagong buhay. Ang mga paratang ng ibang sekta ay walang katotohanan. Dahil kung minsang ang selebrasyong kristiyanismo ay nagkakasabay lamang sa paganong selebrasyon. Halimbawa ng Selebrasyon ng Pasko. S...