Christian and Pagan

 


Ang Pagano ay ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos at may sariling Diyos ayon sa kanilang kultura. 


May mga taong hindi kilala ang Diyos dahilan sa hindi ipinakilala sa kanila ng kanilang mga ninuno sapagkat mayroon silang kinikilalang ibang Diyos. 


Ngunit palagi tayong sinasabihan ng mga ibang sekta na ang ibang selebrasyon natin ay nakuha sa paganong cultura. 


Kung ang isang paganong selebrasyon ay ating niyakap bilang kristiyang katoliko, ang paganong paniniwalang ito ay maglalaho at mapapalitan ng kristiyang paniniwala, sapagkat lahat ng ito ay ating iniaalay sa Totoong Diyos. 


Nagiging pagano lamang ang selebrasyon kung ang nagdiriwang nito ay isang pagano. 


Hindi din lahat ng paganong selebrasyon ay ating niyakap at binigyang ng bagong buhay. 


Ang mga paratang ng ibang sekta ay walang katotohanan. Dahil kung minsang ang selebrasyong kristiyanismo ay nagkakasabay lamang sa paganong selebrasyon. 


Halimbawa ng Selebrasyon ng Pasko. 


Sabi ng mga ibang sekta ang Pasko daw ay isang paganong selebrasyon. Sapagkat ipinanganak daw si Sol Invictus diyos ng araw sa petsang December 25. 


Ngunit ang Paskong ipinagdiriwang natin ay Pasko ng kapanganakan ng Panginoong Hesus. Mrahil malayo ang paratang ng mga sektang tumutuligsa sa atin. 


Magkaiba ang paniniwala ng mga pagano at kristiyano na si Sol invictus ay diyos ng araw, at si Jesus Christ ay ansk ng Diyos Ama na limikha ng lahat. 


Suriin ang bawat pagsisiyasat. Maging sa ibat ibang pamamaraan sa libro man ng kasaysayan o sa libro ng Biblia. 

Popular posts from this blog

History of Sto. Niño de Tondo Parish Church

History Pag-Kakabalik ng Sto. Niño de Tondo

PAGSISIYAM SA KARANGALAN NG MAHAL NA POONG SANTO NIÑO DE TONDO